Monday, October 19, 2009

anung bagay/lugar/produkto sa gensan south cotabato o sa inyong bayangsinilangan ang ipagmamalaki mo at hindi po ipinagmalaki at bakit

ang ipagmamalaki ko sa lungsod ng Gensan sa ibang mga bayan ay ang mga murang bilihin ng pagkain kasi kung e kokompare ko ang bilihin ng pagkain sa Gensan sa Manila ay napakalaki ang pagkakaiba kasi kung iisipin mo napakamahal ng mga bilihin sa Manila lalo na ang kanilang mga pagkain sobrang mahal katulad ng saging ang isang piraso ng saging sa kanila ay umaabot na sa limang peso o di kaya ay sampu tapos dito sa Gensan makakabili kana ng isang sipi ng saging 10 pesos lang kaya hindi ko na talaga ipagpapalit ang gensan sa Manila kasi gustong gusto ko dito lalo na iyong klima kahit mainit ok lang sa akin my solusyon naman sa ganyan hindi katulad sa
Manila parati nalng dinadalawan ng mga bagyo parati nalang lubog sa baha.hahai ni minsan hindi ko talaga pinangarap ang makapunta sa Manila.

kung ikaw ang maging presidente na pilipinas ano ang programang gagawin? sumulat ng first 5 at bakit.?

sa akin kung ako ang magiging presidenti ay ang unang kung gagawing hakbang ay gagawa ako ng programang pang lupa para sa mga mahihirap katulad ng nakatira sa gilid ng tulay sa mga estero. sila ang una kung bigyan ng pansin para hindi na mamiligro ang kanilang buhay sa tuwing may dadating na unos. pangalawa naman ay magbibigay ako ng siminar para sa isang pagkabuhayan para sa mga taong walang mga hanap buhay para naman malaman nila ang mga direksyon kung pano magpalago ng negosyo. ang pang tatlo naman ay bibigyan ko ng pansin ang mga bata, matatanda o walang mga matirhan o nagpalaboy-laboy sa mga daan. kung wala naman silang mga mahal sa buhay ay ilalagay ko sila sa mga bahay ampunan, home for the aged at marami pa. ang pang apat kung gagawin ay iyong mga magsasaka na walang lupa para pagtamnan nila ng mga gulay,bigas at iba pa ay bibigyan ko sila ng lupa para sa kanilang pagsakahan, tapos hindi ko gagawin ang bawiin ang kanilang mga lupang sinasakahan, at ang panglima ay isa lang ang gagawin ko ang maglingkod at pagsilbihan ang mga mamayan hinding hindi ko gagawin ang mangurakot sa kaban ng bayan hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasira ng bayan gagawin ko ang lahat mapagsilbihan ko lang ng malinis at walang intensyon na manloko at mangurakot.

anong parte ng katawan ninyo ang gusto niyong maging sikat? at bakit?

sa akin ang gusto kung sumikat sa aking bahagi ng aking katawan ay ang aking buhok kasi gusto kung maging makintab ito katulad ng mga artista kasi para maalagaan ko na talaga ito pag sumikat na ang aking buhok.jejejejeje, at maging parti na sa isang komersial.habang tumitingin ako ng komersial lalo na sa shampoo ay gustong gusto kung tingnan ang kanilang buhok at iniisip ko na sana maging ganyan na ka kintab ang aking buhok.kaya gusto kung sumikat ang aking buhok malay ko baka hindi lang buhok ang sumikat pati narin ako.jejejejeje. maging parti na sa isang modeling competetion.

sumulat tungkol sa paborito ninyong pet.

ang paborito kung pet ay iyong aso kung si pipay kasi gustong gusto ko siya lalo na pag kami ay naglalaro lalo na iyong habulan. tapos minsan kapag umaalis ako ng bahay ay sumasama talaga siya kahit na pumupunta ako sa simbahan ay sumasama talaga siya.tapos gustong gusto ko din siya habang pinapaliguan ko siya kasi minsan may araw na ayaw niyang maligo kaya minsan ay nahibhirapan akong magpaligo sa kanya kasi tumatakbo siya at pilit ko namang hinahabol para lang mapaligoan siya para maging malinis naman siya. sa bahay namin siya ang aking bestfriend kasi siya lagi kung kalaro sa pang araw-araw.

sumulat tungkol sa karanasan ninyo tungkol sa jeepney riding, trycycle ride

ang karanasan ko sa jeepney riding ay iyong time na pumunta kami papuntang tupi na naka jeepney lang. first time kung nakasama ang buo kung ka klase kasi pupunta kami roon para magbisita sa isang skwelahan sa matutum view academy.habang kami ay nagabyahe hindi namin maiwasan na magtawanan lalo na pag nakikita namin ang aming ka klasi na natutulog kasi habang kami ay nagabyahe ang kanyang posisyon ay nakabaluktot tapos pag ang jeep ay bumibilis ang takbo tapos biglang mag preno ay nahulog ito tapos,hindi parin niya namamalayan ang ngyari sa kanya kaya kami hinayaan nalang namin tapos lagi naming tinatawanan..


ang karanasan ko din sa trycycle ay ung nasa elementary palang ako, habang nakasakay ako sa may likoran ng driver hindi ko naiwasan na dumadaosdos na pala ako hindi ko namalayan na nahulog na pala ako tapos nabungo ang ulo ko sa may batuhan,don ko lang namalayan na nahulog ako nung sumakit ang ulo ko dahil sa pagkakabungo ng ulo ko sa may batuhan,tapos sinabihan ako ng driver na umuwi nalang,pero hindi ako pumayag dahil natatakot akong malaman nila tumoloy parin ako papunta sa skwelahan kahit hanggang ngayon hindi parin alam ng magulang ko sa ng yari sa akin noon.

Friday, October 16, 2009

totoo nga bang ang mga lalaki ay hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos lumabas sa c.r?bakit?

para sa akin ang iba siguro ay naghuhugas ng kamay at ang iba naman ay hindi. sa palagay ko ang mga lalaki na naghuhugas lang ng kamay bago lumabas sa c.r ay iyong mga lalaking ayaw ng marumi o di kaya over protective sa kanilang pangangatawan at ang hindi naman ay iyong mga lalaki na walang pakialam kung marumi ba o hindi ang kanilang mga kamay.kasi ang iba ay hinahayaan nalang nila kahit pa galing sila sa c.r.

ano ang top 5 na ginagawa mo pagka gising sa umaga

kapag gumigising ako sa umaga ang una kung gagawin ay ang maglinis na agad ng bahay, kasi ito na ang gawain ko sa pang araw-araw namin kahit nga may pasok ay kailangan ko talagang maglinis bago pumunta sa paaralan kasi ala ng ibang maglilinis ng aming bahay kundi ako lang.marami kasing ginagawa ang aking ina kaya hindi na niya magawa ang paglilinis kaya bilang tulong narin ako nalang ang gumagawa.pagkatapos kung maglinis ay ang pangalawa kung gagawin ay ang magluto ng almusal kasi minsan walang nagluluto kasi minsan masyadong abala ang mga tao sa amin kaya ako nalang ang nagluluto.ang pangatlo kung ginagawa ay pag natapos na ang almusal ay maghuhugas na naman ako ng mga pingan.pakatapos kung gawin ay maliligo na ako,kapag alang pasok pagkatapos kung maligo ay nanonood na ako ng television parang uras na din ng pagpapahinga.kapag may pasok naman ay tintapos ko n g maaga ang aking mga gawain bago pumunta sa paaralan.ito ang gawain ko sa pang araw araw.