Tuesday, October 13, 2009
anong masasabi mo sa mga batang nanghihingi ng limos, totoo ba kayang ang kanilang kalagayan o parte sila ng isang sindikato?bakit?
para sa akin ang masasabi ko sa mga batang nanlilimos ay nakakaawa kasi sa murang idad pa lang nila ay nakakaranas na sila ng hirap, at pagkakagutom para sa akin dapat sisihin ang kanilang mga magulang kasi bakit pa nila hinayaang mabuhay ang isang bata kung hindi rin naman nila ito kayang pangangalagaan at hahayaan nalang nilang magpalaboy sa daan.nakakawa namang tingnan ang mga batang walang tahanan,walang makakain.bakit kaya nakakaya nalang ng mga ina nila na pabayaan ang kanilang mga anak na magpalaboy sa daan.sa pagkakaalam ko ang iba sigurong mga batang nasa daan ay pag aari din naman ng mga sindikato inuutusan silang magpalimos sa daan at ang kanilang kita ay kinikuha, hindi rin naman siguro halos lahat ng mga batang nanlilimos ay parte na ng isang sindikato.ang iba naman siguro ay nanlilimos lang para makabili sila ng pagkain para sa kanilang nangangalam na sikmura.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment