Tuesday, October 13, 2009
sang ayon ba kayo sa pagpapatayo ng isang coal fired power plant sa sarangani?bakit?
Para sa akin hindi ako sang-ayon sa pagpapatayo ng coal fired power plant dahil sa masamang dulot nito sa tao. Ang plantang ito ay nagbubuga ng usok na may halong kimikal na siyang nakakasira sa katawan ng tao. Ayon sa mga eksperto ang usok na binubuga dito ay umaabot sa sobrang isandaang kilometro kaya maapektuhan din ang Lungsod ng Heneral Santos at makakaabot din pati sa Glan. kung ito ay tuluyang maitayo, ano na ang mangyayari sa ating mga tao? Magkakaroon na tayo ng sakit. Hindi rin sang ayon ang simbahan sa pagpapatayo ng planta na ito kaya isinusulong nila na hindi ito mapatayo. bakit ba hinahayaan ng gobyerno na magpatayo ng ganitong planta.hindi ba nila iniisip kung ano ang mangyayari sa mga tao kung hahayaan nilang maipatayo ang planta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment