Thursday, October 8, 2009

ang pagsalanta ni bagyong ondoy ay dapat isisi kay?

para sa akin ang pagsalanta ng bagyong ondoy ay dapat isisi sa mga tao kasi tayo naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaroon ng baha.dahil sa ating pagsisira sa mga bundok sa pagpuputol ng mga puno kaya nga nagkakaroon ng mga baha landslide dahil wala ng magpipigil at magsisipsip sa tubig, at kaya nagkakaroon din ng landslide dahil wala ng mga puno.sa mga nagyayari ngayon tao lang naman din ang may kasalanan at gumaganti lang ang kalikasan sa paglapastangan sa ating kapaligiran. ang pagkakaroon ng global warming or climate change ay tao din ang maykasalanan? dahil sa pagsusunog ng basura nasisira na ang ating ozone layer nagkakaroon na ng malaking butas kaya minsan nakakaranas tayo ng sobrang init. sa mga pinag gagawa natin sa kalikasan ay bumabalik din namn ito sa atin tayo rin ang maaapektuhan sa mga nagyayari .wala tayong magagawa kung kelan gaganti ang kalikasan sa paglapastangan natin sa ating kalikasan

No comments:

Post a Comment