Monday, October 19, 2009

sumulat tungkol sa karanasan ninyo tungkol sa jeepney riding, trycycle ride

ang karanasan ko sa jeepney riding ay iyong time na pumunta kami papuntang tupi na naka jeepney lang. first time kung nakasama ang buo kung ka klase kasi pupunta kami roon para magbisita sa isang skwelahan sa matutum view academy.habang kami ay nagabyahe hindi namin maiwasan na magtawanan lalo na pag nakikita namin ang aming ka klasi na natutulog kasi habang kami ay nagabyahe ang kanyang posisyon ay nakabaluktot tapos pag ang jeep ay bumibilis ang takbo tapos biglang mag preno ay nahulog ito tapos,hindi parin niya namamalayan ang ngyari sa kanya kaya kami hinayaan nalang namin tapos lagi naming tinatawanan..


ang karanasan ko din sa trycycle ay ung nasa elementary palang ako, habang nakasakay ako sa may likoran ng driver hindi ko naiwasan na dumadaosdos na pala ako hindi ko namalayan na nahulog na pala ako tapos nabungo ang ulo ko sa may batuhan,don ko lang namalayan na nahulog ako nung sumakit ang ulo ko dahil sa pagkakabungo ng ulo ko sa may batuhan,tapos sinabihan ako ng driver na umuwi nalang,pero hindi ako pumayag dahil natatakot akong malaman nila tumoloy parin ako papunta sa skwelahan kahit hanggang ngayon hindi parin alam ng magulang ko sa ng yari sa akin noon.

No comments:

Post a Comment