Tuesday, October 13, 2009
alkoholik na ba ang kabataan ngayon?
para sakin hindi naman halos lahat ng kabataan ngayon ay alkoholik na talaga may ma ngilan ngilan din naman ang hindi. kasi ang iba wala ng iniisip kundi ang kasiyahan na kanilang nararanasan sa tuwing sila ay umiinom, hindi na nila iniisip ang kanilang mga magulang kung ano ang hirap na kanilang nararanasan para lang makahanap ng pera para pangtostos sa kanilang mga anak. sa panahon ngayon halos ang ibang kabataan ay wala ng iniisip kundi ang kanilang mga barkada ang pag gigimik. minsan nga ang iba ay hindi na pumapasok sa paaralan, nagkukunwari lang na papasok yun pala sa ibang lugar na pumupunta.akala ng kanilang mga magulang na sila ay aalis para pumunta sa paaralan yun pala sa ibang lugar para makapaglibang o di kaya iinom.hindi na nila iniisip ang kanilang mga magulang ang pagod na kanilang dinaranas para makahanap ng pera. iwan ko ba kung bakit ganyan ang ibang mga kabataan ngayon na kaya nilang gawin ang mga bagay na ikakasakit ng nararamdaman ng magulang.kaya nga minsan nababalitaan nalang ng mga magulang kung bakit nadisgrasya ang kanilang mga anak na iniisip nila na nasa paaralan lang ito at nag aaral yun pala hindi sa ibang lugar na pumupunta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment