Monday, October 19, 2009

anung bagay/lugar/produkto sa gensan south cotabato o sa inyong bayangsinilangan ang ipagmamalaki mo at hindi po ipinagmalaki at bakit

ang ipagmamalaki ko sa lungsod ng Gensan sa ibang mga bayan ay ang mga murang bilihin ng pagkain kasi kung e kokompare ko ang bilihin ng pagkain sa Gensan sa Manila ay napakalaki ang pagkakaiba kasi kung iisipin mo napakamahal ng mga bilihin sa Manila lalo na ang kanilang mga pagkain sobrang mahal katulad ng saging ang isang piraso ng saging sa kanila ay umaabot na sa limang peso o di kaya ay sampu tapos dito sa Gensan makakabili kana ng isang sipi ng saging 10 pesos lang kaya hindi ko na talaga ipagpapalit ang gensan sa Manila kasi gustong gusto ko dito lalo na iyong klima kahit mainit ok lang sa akin my solusyon naman sa ganyan hindi katulad sa
Manila parati nalng dinadalawan ng mga bagyo parati nalang lubog sa baha.hahai ni minsan hindi ko talaga pinangarap ang makapunta sa Manila.

kung ikaw ang maging presidente na pilipinas ano ang programang gagawin? sumulat ng first 5 at bakit.?

sa akin kung ako ang magiging presidenti ay ang unang kung gagawing hakbang ay gagawa ako ng programang pang lupa para sa mga mahihirap katulad ng nakatira sa gilid ng tulay sa mga estero. sila ang una kung bigyan ng pansin para hindi na mamiligro ang kanilang buhay sa tuwing may dadating na unos. pangalawa naman ay magbibigay ako ng siminar para sa isang pagkabuhayan para sa mga taong walang mga hanap buhay para naman malaman nila ang mga direksyon kung pano magpalago ng negosyo. ang pang tatlo naman ay bibigyan ko ng pansin ang mga bata, matatanda o walang mga matirhan o nagpalaboy-laboy sa mga daan. kung wala naman silang mga mahal sa buhay ay ilalagay ko sila sa mga bahay ampunan, home for the aged at marami pa. ang pang apat kung gagawin ay iyong mga magsasaka na walang lupa para pagtamnan nila ng mga gulay,bigas at iba pa ay bibigyan ko sila ng lupa para sa kanilang pagsakahan, tapos hindi ko gagawin ang bawiin ang kanilang mga lupang sinasakahan, at ang panglima ay isa lang ang gagawin ko ang maglingkod at pagsilbihan ang mga mamayan hinding hindi ko gagawin ang mangurakot sa kaban ng bayan hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasira ng bayan gagawin ko ang lahat mapagsilbihan ko lang ng malinis at walang intensyon na manloko at mangurakot.

anong parte ng katawan ninyo ang gusto niyong maging sikat? at bakit?

sa akin ang gusto kung sumikat sa aking bahagi ng aking katawan ay ang aking buhok kasi gusto kung maging makintab ito katulad ng mga artista kasi para maalagaan ko na talaga ito pag sumikat na ang aking buhok.jejejejeje, at maging parti na sa isang komersial.habang tumitingin ako ng komersial lalo na sa shampoo ay gustong gusto kung tingnan ang kanilang buhok at iniisip ko na sana maging ganyan na ka kintab ang aking buhok.kaya gusto kung sumikat ang aking buhok malay ko baka hindi lang buhok ang sumikat pati narin ako.jejejejeje. maging parti na sa isang modeling competetion.

sumulat tungkol sa paborito ninyong pet.

ang paborito kung pet ay iyong aso kung si pipay kasi gustong gusto ko siya lalo na pag kami ay naglalaro lalo na iyong habulan. tapos minsan kapag umaalis ako ng bahay ay sumasama talaga siya kahit na pumupunta ako sa simbahan ay sumasama talaga siya.tapos gustong gusto ko din siya habang pinapaliguan ko siya kasi minsan may araw na ayaw niyang maligo kaya minsan ay nahibhirapan akong magpaligo sa kanya kasi tumatakbo siya at pilit ko namang hinahabol para lang mapaligoan siya para maging malinis naman siya. sa bahay namin siya ang aking bestfriend kasi siya lagi kung kalaro sa pang araw-araw.

sumulat tungkol sa karanasan ninyo tungkol sa jeepney riding, trycycle ride

ang karanasan ko sa jeepney riding ay iyong time na pumunta kami papuntang tupi na naka jeepney lang. first time kung nakasama ang buo kung ka klase kasi pupunta kami roon para magbisita sa isang skwelahan sa matutum view academy.habang kami ay nagabyahe hindi namin maiwasan na magtawanan lalo na pag nakikita namin ang aming ka klasi na natutulog kasi habang kami ay nagabyahe ang kanyang posisyon ay nakabaluktot tapos pag ang jeep ay bumibilis ang takbo tapos biglang mag preno ay nahulog ito tapos,hindi parin niya namamalayan ang ngyari sa kanya kaya kami hinayaan nalang namin tapos lagi naming tinatawanan..


ang karanasan ko din sa trycycle ay ung nasa elementary palang ako, habang nakasakay ako sa may likoran ng driver hindi ko naiwasan na dumadaosdos na pala ako hindi ko namalayan na nahulog na pala ako tapos nabungo ang ulo ko sa may batuhan,don ko lang namalayan na nahulog ako nung sumakit ang ulo ko dahil sa pagkakabungo ng ulo ko sa may batuhan,tapos sinabihan ako ng driver na umuwi nalang,pero hindi ako pumayag dahil natatakot akong malaman nila tumoloy parin ako papunta sa skwelahan kahit hanggang ngayon hindi parin alam ng magulang ko sa ng yari sa akin noon.

Friday, October 16, 2009

totoo nga bang ang mga lalaki ay hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos lumabas sa c.r?bakit?

para sa akin ang iba siguro ay naghuhugas ng kamay at ang iba naman ay hindi. sa palagay ko ang mga lalaki na naghuhugas lang ng kamay bago lumabas sa c.r ay iyong mga lalaking ayaw ng marumi o di kaya over protective sa kanilang pangangatawan at ang hindi naman ay iyong mga lalaki na walang pakialam kung marumi ba o hindi ang kanilang mga kamay.kasi ang iba ay hinahayaan nalang nila kahit pa galing sila sa c.r.

ano ang top 5 na ginagawa mo pagka gising sa umaga

kapag gumigising ako sa umaga ang una kung gagawin ay ang maglinis na agad ng bahay, kasi ito na ang gawain ko sa pang araw-araw namin kahit nga may pasok ay kailangan ko talagang maglinis bago pumunta sa paaralan kasi ala ng ibang maglilinis ng aming bahay kundi ako lang.marami kasing ginagawa ang aking ina kaya hindi na niya magawa ang paglilinis kaya bilang tulong narin ako nalang ang gumagawa.pagkatapos kung maglinis ay ang pangalawa kung gagawin ay ang magluto ng almusal kasi minsan walang nagluluto kasi minsan masyadong abala ang mga tao sa amin kaya ako nalang ang nagluluto.ang pangatlo kung ginagawa ay pag natapos na ang almusal ay maghuhugas na naman ako ng mga pingan.pakatapos kung gawin ay maliligo na ako,kapag alang pasok pagkatapos kung maligo ay nanonood na ako ng television parang uras na din ng pagpapahinga.kapag may pasok naman ay tintapos ko n g maaga ang aking mga gawain bago pumunta sa paaralan.ito ang gawain ko sa pang araw araw.

Thursday, October 15, 2009

anong masasabi mo sa relief goods campaign?

para sa akin ang masasabi ko sa relief goods campaign ay maganda at nakakatulong sa ating mga mamayan na naapektuhan ng bagyo kasi malaking tulong ito sa kanila. kung iisipin natin ala na silang makukunan na pera para pang bili ng pagkain kasi hindi na sila makakahanap pa ng trabaho sa panahon ng unos syempre mananatili muna sila sa loob ng evacuation center azt hindi sila makakalabas, pano kung walang mga relief goods na ibinibigay? ano na ang kanilang kakainin sa loob ng center?kaya nga malaking tulong ang mga relief goods sa ating mga mamayan na nasalanta ng mga bagyo.nagpapasalamat din ako sa mga taong tumutulung at bumabahagi ng mga relief goods sa ating mga kababayan. kaya ang masasabi ko talaga sa relief goods campaign ay maganda dahil nakakatulong ito sa nga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

pumili ng top mo na presidential candidates at bakit sila?

para sakin ang top 1 na presidential sakin ay si Binigno Aquino kasi iniisip ko na siya na siguro ang taong makakapagbalik ng mga nagkawatak watak na oposisyon at may tiwala din ako sa kanya kasi parang hindi niya kayang mangurakot kasi katulad ng kanyang mga magulang matapat ito sa bayan at walang ginagawang anumang makakasira. kasi ang kanyang mga magulang ay isang matapat na mga tao na namamahala sa pilipinas at hindi nagawa ang kumuha ng pera sa kaban ng bayan kaya may tiwala din ako sa kanya katulad ng kanyang nga magulang.

pangalawa sa akin ay si Chiz Escudero kasi sa pagkakaalam ko ok din mamuno si Escudero sa ating bayan kaya isinali ko siya sa aking pagpipilian kasi may maganda din siyang plano at sa pagkakaalam ko hindi naman siguro siya katulad ng iba na wala ng ginawa kundi ang mangurakot sa pera ng bayan. kasi si escudero din ay iniisip din niya ang kapakanan ng ating mga kababayan.


para sa akin dalawa lang ang aking piniling kandidatura kasi para sa akin sila lang dalawa ang pinagkakatiwalaan ko sa oposisyon para maging presidente at wala ng iba pa. kasi sa ibang mga kandidato na tumakbo ngayon ala na akung tiwala sa kanila kasi iniisip ko na iyong iba ay makakadagdag lang ng kahirapan sa ating mga mamamayan.

Tuesday, October 13, 2009

sang ayon ba kayo sa pagpapatayo ng isang coal fired power plant sa sarangani?bakit?

Para sa akin hindi ako sang-ayon sa pagpapatayo ng coal fired power plant dahil sa masamang dulot nito sa tao. Ang plantang ito ay nagbubuga ng usok na may halong kimikal na siyang nakakasira sa katawan ng tao. Ayon sa mga eksperto ang usok na binubuga dito ay umaabot sa sobrang isandaang kilometro kaya maapektuhan din ang Lungsod ng Heneral Santos at makakaabot din pati sa Glan. kung ito ay tuluyang maitayo, ano na ang mangyayari sa ating mga tao? Magkakaroon na tayo ng sakit. Hindi rin sang ayon ang simbahan sa pagpapatayo ng planta na ito kaya isinusulong nila na hindi ito mapatayo. bakit ba hinahayaan ng gobyerno na magpatayo ng ganitong planta.hindi ba nila iniisip kung ano ang mangyayari sa mga tao kung hahayaan nilang maipatayo ang planta.

anong aral ang tinuturo ng mga dilubyong dadaan?

ang mga aral na aking nakuha sa mga dilubyong dumaan ay ang mga bagay na dapat nating pangalagaan ang ating kalikasan dapat ay hindi natin ito hahayaang masira nalang kasi ang mga puno sana ang nagsisisip ng tubig para hindi magkakaroon ng baha at wala din sanang mangyayaring landslide kung ang bundok natin ay marami pang mga puno na nakatanim. kaya sa mga panahon ngayon dapat na natin pangalagaan ang ating kalikasan ,dapat tayong magtanim ng mga puno para sa dadating na unos hindi na natin mararanasan ang mga dilubyong dumating sa atin.dapat ay gumawa na tayo ng hakbang para hindi tayo magsisisi sa huli at marami na naman ang mga buhay na mawawala.kasi hindi natin kayang pigilan ang ganti ng kalikasan sa mga ginawa nating paglapastangan. at ito pa ang isa pang solusyon para maiwasan natin ang mga delubyong ganyan dapat natin e segrigate ng maayos ang ating mga basura.dapat hindi tayo magtapon ng basura kung saan saan dahil ito din ang dahilan kaya nagkakaroon ng baha dahil hindi na makakadaloy ng maayos ang tubig sa mga drainage canal dahil natatakpan na ito ng mga basura.kaya dapat nating gawin ang mga bagay na ito para maiwasan na natin ang mga ganitong mga pangyayari,ito na din ang nagsisilbing aral sa atin sa mga bagay na ating pinaggagawa sa kalikasan kaya dapat na natin itong iwasan para hindi na ito mangyayari ulit sa atin.

anong masasabi mo sa mga batang nanghihingi ng limos, totoo ba kayang ang kanilang kalagayan o parte sila ng isang sindikato?bakit?

para sa akin ang masasabi ko sa mga batang nanlilimos ay nakakaawa kasi sa murang idad pa lang nila ay nakakaranas na sila ng hirap, at pagkakagutom para sa akin dapat sisihin ang kanilang mga magulang kasi bakit pa nila hinayaang mabuhay ang isang bata kung hindi rin naman nila ito kayang pangangalagaan at hahayaan nalang nilang magpalaboy sa daan.nakakawa namang tingnan ang mga batang walang tahanan,walang makakain.bakit kaya nakakaya nalang ng mga ina nila na pabayaan ang kanilang mga anak na magpalaboy sa daan.sa pagkakaalam ko ang iba sigurong mga batang nasa daan ay pag aari din naman ng mga sindikato inuutusan silang magpalimos sa daan at ang kanilang kita ay kinikuha, hindi rin naman siguro halos lahat ng mga batang nanlilimos ay parte na ng isang sindikato.ang iba naman siguro ay nanlilimos lang para makabili sila ng pagkain para sa kanilang nangangalam na sikmura.

alkoholik na ba ang kabataan ngayon?

para sakin hindi naman halos lahat ng kabataan ngayon ay alkoholik na talaga may ma ngilan ngilan din naman ang hindi. kasi ang iba wala ng iniisip kundi ang kasiyahan na kanilang nararanasan sa tuwing sila ay umiinom, hindi na nila iniisip ang kanilang mga magulang kung ano ang hirap na kanilang nararanasan para lang makahanap ng pera para pangtostos sa kanilang mga anak. sa panahon ngayon halos ang ibang kabataan ay wala ng iniisip kundi ang kanilang mga barkada ang pag gigimik. minsan nga ang iba ay hindi na pumapasok sa paaralan, nagkukunwari lang na papasok yun pala sa ibang lugar na pumupunta.akala ng kanilang mga magulang na sila ay aalis para pumunta sa paaralan yun pala sa ibang lugar para makapaglibang o di kaya iinom.hindi na nila iniisip ang kanilang mga magulang ang pagod na kanilang dinaranas para makahanap ng pera. iwan ko ba kung bakit ganyan ang ibang mga kabataan ngayon na kaya nilang gawin ang mga bagay na ikakasakit ng nararamdaman ng magulang.kaya nga minsan nababalitaan nalang ng mga magulang kung bakit nadisgrasya ang kanilang mga anak na iniisip nila na nasa paaralan lang ito at nag aaral yun pala hindi sa ibang lugar na pumupunta.

Thursday, October 8, 2009

ang tao ba ay may ganap na control sa kanyang buhay?

para sa akin oo,kaya din naman e control ng tao ang kanyang buhay kung ano ang gagawin mo sa iyong sarili o di kaya ang pagplaplano mo sa iyong bukas may control ka din dito, kasi nasa saiyo din naman ang disisyon kung ano talaga ang gagawin mo sa iyong buhay kung gagawa ka ba ng masama o di kaya ng mabuti nasa iyo lang yun kung kaya mong magpaapekto sa mga temtasyon sa iyong buhay

ang pagsalanta ni bagyong ondoy ay dapat isisi kay?

para sa akin ang pagsalanta ng bagyong ondoy ay dapat isisi sa mga tao kasi tayo naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaroon ng baha.dahil sa ating pagsisira sa mga bundok sa pagpuputol ng mga puno kaya nga nagkakaroon ng mga baha landslide dahil wala ng magpipigil at magsisipsip sa tubig, at kaya nagkakaroon din ng landslide dahil wala ng mga puno.sa mga nagyayari ngayon tao lang naman din ang may kasalanan at gumaganti lang ang kalikasan sa paglapastangan sa ating kapaligiran. ang pagkakaroon ng global warming or climate change ay tao din ang maykasalanan? dahil sa pagsusunog ng basura nasisira na ang ating ozone layer nagkakaroon na ng malaking butas kaya minsan nakakaranas tayo ng sobrang init. sa mga pinag gagawa natin sa kalikasan ay bumabalik din namn ito sa atin tayo rin ang maaapektuhan sa mga nagyayari .wala tayong magagawa kung kelan gaganti ang kalikasan sa paglapastangan natin sa ating kalikasan